Natututuwa ako kay Jumega kasi naikwento ko sa kanya ang mga estoryang ginagawa ko for “IT”. Hindi kasi masyado nakakapagnet si Jumega kasi bawal daw sa palasyo nila ang mga maharlikang tulad niya na makipaghalubilo sa mga mangyan na gaya natin. Hayuf na baklita, ambisyosa na nga, ,mapanlait pa!
Siguro mga apat o tatlong kuwento pa lang daw ang nababasa niya.
Sabi ko sa kanya:
Adam: Jumega, di mo naman kailangang basahin yan total ikaw mismo ang karakter sa estorya. Sayo ang estoryang nailimbag at shinishare ko lang sa kanila.
Jumega: hindi kasi friend, gusto ko kasi makita papaano gumawa ng ALAMAT! At maging household name ang pangalan ko….JUMEGAAAAHhhh…ahhh…ahhh…
Adam: Amfutomaya!Household name pa ang nabigkas! IPIDEMYA ka mo! Mag-ayos ka nga jan…Jumega, nauubusan na akez ng kuwento sa mga unfortunate events natin sa pinakamamahal nating MSU. Remind me puhlease…hihi
Jumega: O siya…tutulungan na kita…Magsisimula tayo sa…..
Dear DJ Feter Fiper…chares….
Patapos na ang sem that time at ang mga taong bayan ay nagsi-uwian na, ang iba naman ay mga exams at thesis na lang ang inaatupag. Medyo tahimik na ang dorm at mga pusakal nalang ang nakikita mong nakatambay sa hallway.
Gabi ng araw na yun, narining ng mga badingerzis na may magaganap na inuman between brotherhood ng isang sikat na frat sa MSU sa aming dorm. Ang pangalan ng frat ay…..
ay……
ay…….
….
…..
…..
sa pagbabalik ng the BUZZZZ!!!!!
(Jusko, baka dito ako matuluyan, hahaahaha)
So standard operating procedures ng mga Badinggerzi ay kanya-kanyang position sa hallway para maaninagan ang mga brusko at barakong fratmen…Ung iba kontodo na ang paghihilod sa CR at paglalavativa kasi nag eexpect maka score!lels
Di namin sila naabutan ni Jumega kasi busy kami kakachestmest sa kwarto niya. Dumerecho pala sila sa room #345. Mga bandang alas 9pm, naririnig na namin ang kanilang mga hiyawan at tawanan at medyo nangangati na ang singit at esophagus ni Jumega kaya isa isa na silang pumasok sa room #345. Kunwari manghihiram ng balde, kutsara, walis…kahit anong maisip basta makapasok lang sila sa kwarto at tuluyang makita sila fratmen.
Apat na mga Badingerzi ang successful sa kanilang modus operandi sa pag enter sa kwarto. Syempre ako naman. Di ko na kailangang gumawa ng kung anong anek anek na rason kasi kwarto ko naman yun. Normal lang. Palaki laki pa rin.hihi. Kunwari matutulog lang.chos.
Pagpasok ng kwarto.
6 na fratmen ang nadatnan ko. At sa maniwala kayo o sa hindi…..ako lang ang BET nila.chos
Sa maniwala kayo o hindi wala ni isa sa kanila ang mukhang TAO! Swear! Para silang crossbreed ng bangaw at Pithecanthropus erectus….hindi sila magandang sighting sa aking paningin.
Nakita ko din sa reaction ng mga mata ni Jumega ang pagkadismaya at pagkadiri….hayuf, chumuchoosy ka pa, alam ko namang taggutom ka ngayon!
Kung papaano sila nakapasok sa kwarto ay ganun din na estratihiya na ginamit nila Jumega para makatakas sa mga Dragong fratmen.
Pero dahil medyo lasing na sila, hindi na makapalag ang mga baklita at pilit pa silang pinapainum at pinapaentertain, parang mga GRO lang ang peg.
Tawa lang ako ng tawa sa aking kama habang nakatago sa ilalim ng kumot.
Nakita ko din ang isang badingerzi na nakakandong sa isang chakarat na fratmen.
(Merese na jud na kay mga uwagon na mga bayot buang!hahaha)
Ilang beses pa na pagpipilit ay nakaalis na din ang apat na bekis. Pero nagpromise sila na babalik after nila kunin ang libro “daw”. (Mugnaerang vakloooosh)
Dali-dali silang tumakbo sa kanilang kwarto kasi narinig pala ng isang beki na loloveyhin daw sila ala gang rape style. Kung beth tamayo lang sana ang mga hinafuyak eh di sana hindi mag chochoosy sila Jumega. Kukusa mismo silang ipagkatiwala ang depreciated alindogs nila.
Pero NO! May standards din ang aking mga friendships kaya may I lock inside the room sila at nag rosaryo na sana hindi sila hahanapin pa ng mga Dragonflies..
After a couple of minutes, narinig nila na parang may paparating according to the footsteps that they can hear clearly coming from the lobby(limited english awh)...nagpanic ang nga bekis! Kanya- kanyang eksena! May magpapatulog-tulog kunwari...ang isa ay may I solve ng math problem...ang isa parang tatalon ata sa bintana pero si Jumega remained calm and at peace...
Jumega: Gurls! Hindi tayo padadaig sa mga Mondragon na yan! Kung hindi tayo kikilos ngayon? Kelan?
Kung hindi tayo? Sino?
May naisip akong bright idea!
Gurls, assemble!
Course of Action:
Apat ang locker sa dorm namin, ang bright idea ni Jumega ay papasok isa-isa ang mga beki sa locker. One at a time. Tas ipapadlock sa labas, kunwari normal locker lang. Keber na kung hindi makahinga basta masalba lang ang virginity. Ang last locker naman ay pinakandado nila sa jovnormaley na roommate ni Jumega na ha, he, hi, ho, hu lang ang alam na salita. Hihi.peace.
Jumega: Friend, ilock mo naman itong si beki from the outside.
Jovnormaley: ha?
Jumega: Dito sa last locker!
Jovnormaley: ho!
At violaaaaaahhhh!!!! Successful ang plano ni Jumega na ginamitan ng dynamics sa physics at logarithmic theory...
Pagpasok ng isang Mondragon sa kwarto, parang wala lang nangyari. Wala siyang nakitang kahit anong bakas ni Jumega at ng kanyang superfriends.
Dumaan pa ang ilang minuto...
Oras...
Another set na oras...
Saka lumabas sa locker ang isang beki...
Pagbukas nila sa isang locker kung saan nagtatago si Jumega ay natagpuan nila ito na isa nang malamig na bangkay...chares.
Nakatulog pala si Jumega. At home na at home ang hayuf.
Kinabukasan ko pa nalaman ang karumaldumal na sinapit ng aking mga beki friends.Di ko maiwasan humagugol sa kakatawa.Uwag pa yot! Sunod sa tangkal namu matulog! Hahaha
Nagmamalinis,
Adam
PS. Salamat guys sa inyong mga comments at mga unsolicited violent reactions! Hanggang sa muli. Beki wave...Xoxo
Adam
King Faisal Center for Islamic, Arabic and Asian Studies
No comments:
Post a Comment