Tuesday, October 1, 2013

Confession #1014

Naeenjoy talaga akong basahin mga confessions dito pero I never thought of posting my own confession til' i read confession #1005. I can totally relate sa confession na un. So I hope ma-post din to not to discourage everyone but para malaman ng lahat yong totoo.

Ok so some are saying na hindi totoo ung confession #1005 because they landed a good job right after nilang mag-graduate. Well siguro kasama sila sa mga KUNTING pinalad na maka kuha agad ng trabaho and I'm sure most of them applied within Mindanao lang. Cmpre kilala tlaga ang MSU sa Mindanao pero if you will ask those who applied in Metro Manila don mo malalaman ang katotohanan. Very few companies lang sa Metro Manila ang nakakakilala sa MSU. AS IN VERY FEW. LIKE OUT OF 100% siguro .5% lang. Sad but true. I can still remember nong ako ung nagaapply. Common questions are "San ung Mindanao State University? Sa Mindanao Ave?" or "Maraming Abu Sayyaf sa school niyo?" and iba pang walang kwentang mga tanong. May kunti din namang nakakakilala sa MSU pero dahil sa MSU-IIT not MSU-Main. Plus if may kasabay kang applicant from UP, DLSU, ADMU, FEU and iba pang schools sa Metro Manila halos wala ka ng pagasang matanggap kasi they would choose applicants from those schools kaysa sau na taga MSU. You'll be lucky if na-tsambahan mong company is may employee na taga MSU or may dating employee na taga MSU kasi nga once nasubukan na ng company ung taga MSU for sure bibilib yong company na un. MSUans are well known din naman sa iilang companies because of thr hard work. MSUans can easily adapt sa kahit anong environment and mas competitive tlga ang MSUans kaysa sa ibang school dito sa Metro. Sad nga lang at hindi tayo nabibigyan ng chance para ipakita yon. It took me how many months para makahanap ng work. So advice ko lang sainyo, if may job opportunities kayo within Mindanao jan nlng kau unless may bucker kau dito Metro Manila. And if ever matanggap kau dito Metro or kahit saan, galingan niyo naman performance niyo para sumikat din kahit papano ang MSU.

PS: sa mga Student Council (SC), sa susunod na magconduct kayo ng job fair wag na ung pang Domestic Helper na job ha? I graduated a four year course in a State University tpos sa job fair pang domestic helper lang ung jobs. C'mon! Isip Isip din pag may time.

m43str0
College of Information Technology

No comments:

Post a Comment